andrrama ng title no? mejo mdrama kc itong entry ko. <serious muna> tayo. ok, go…
ang aga ng pasok ko nung isang araw. syet, for the record. ano kayang hangin ang umihip sa akin? ang hangin na may dalang blitang may midterm sa favorite subject kong commsoc.
kinagabihan, nanghiram pa ako ng rebyuwer sa besprend kong si tae (celeen), kahit magkaiba kami ng course at ticher. tapos yung iba ay sinearch ko sa internet. hmmm mga 10:30 piem ata ako nagsimula. nagtype pa ako ng reaksyon paper sa napanood naming istorya ni diego silang at ang syota niyang si gabriela ipapasa namin kay mamsu. at syempre ang pinakaimportate sa lahat, ang pagbubukas ng friendster account para makapasa. alas dos na ng madaling araw ako nakauwi ng bahay galing caniogan. at nkatira ko? sa rosario, dalawang magkaibang baranggay. pagsakay ko sa jeep eh nakasakay ko puro lalake, ung isa, nagpapanggap na babae na tingin ko ay isang endangered specie na tikbalang, mganda ang breed!
nakashorts ako non! astig dba? ansaya! oo ansaya! dahil nag-aabang pala sa labas ang tatay ko na kulang eh magdala ng sinturon. nag-alala daw ang nanay ko kung ano na ang nagyari sa akin. baka daw nakidnap na ak, nasalvage, narape, napadpad sa kung saan, nagtrip sa land of play, o napasama sa listahan ng desaparecidos. tumawag pala ang magaling kong pinsan ko doon.
pero di pa doon natatapos ang buong araw ko. syempre, nagreview ako ng review ng isang tunay na etudyante, nagsulat at binasa ang reaction paper ko ng paulit-ulit hanggang sa manawa..
balik na tayo sa pagpaso ko ng maaga. hindi maaga ng tamad, pagong bobo tumingin oras. nandun na ako naghihintay na makita si mam teves na labis kong pinangungulilaan ang mukha. pero sadyang soulmates yata kami ni mam teves. nagmumuta na ako pero wala pa siya. pero pag on tha way na si mam sa room eh on tha way pa lang ako sa bathroom. kaya nga sabi ng kaibigan kong si kakaw mora, gustong-gusto nyang andun ako. para na ring sinabing wala si mam. midterm pa naman.
pero mali ang inaakala nya. tuloy ang laban. pakiramdam ko ay may spot light na nakatutok sakin na imbisibol sa mata ni mam. o ayan test na. as usual, essays n naman. kaya bumanat si mam teves:
o baka may sumulat sa akin ng love letter dyan huh?
syempre, tagos sa akin yun. ako lang naman kasi ang bumitin at tumiwarik sa subjek niya.
1 and 2 question eh di ko nasagot ng maaus. nagpaturo ako kay clarncekun. ung pangatlo naman, palung-palo sa nirebyu ko kagabi, este, umaga.
ayan, ang pinakahinihintay kong sandali: PASAHAN. naunang matapos ang klasmeyt kong si dezdezdez daw. astig nga eh. sya ang naleyt pero unang nagpasa. inaantay ko munang matapos ang patetiks at karamihan sa mga klasmeyts ko. eto na anh eksena.
papalapit na ako kay mam teves. para syang nakakita ng nagsasalitang bangkay (dahil di nga naman ako pumapasok). super shock! tinanong nya ako kung may group ako sa research. wala. eh ano nga namang grade ang ibibigay nya sa akin? wala din. tsaka, ang usapan ay usapang. isang absent, drop. confirmed.
para tuloy akong sinand-wich ng langit at impyerno.para bang, super confident ka, dahil nagreview ka ng matino at nag-eport, tapos may biglang susupalpal sa mukha mo na nagsasabing BAWAL EPAL. grabe. di namanako iiyak non pero ang bigat ng loob ko.
eto ang eksena na pang-music video. yung answer sheet kong nasa yellow paper eh nilukot ko at tinapon ako, este, ko sa pinakamalapit na basurahan. crumpled paper of hope nga naman, dahil sa pag-asang may katiting pa na space para pagsulatan ng peñaloza, glecy quozon sa master’s list nya.
eto pa ang tamang banat. lumapit sya sa patetiks at nagtanong:
mahirap ba ang test?
andun ako. bastos di ba?
wala na ang commsoc, wala na si mam teves, wala na. paano na yan? paano n lahat ng pangarap ko? paano ko sila bubuuin muli? paano ako tatayo mula sa pagkakadapa? ang sakit, ang sakit-sakit.
alam ko, mahirap, masakit, tanggapin ang katotohanan, ngunit kailangan. kailangan ko nang harapin ang ang bawat umaga na wala na… wala na..
WALA NA AKONG HAHABULING SUBJEK! YAHOO!
